
42 beneficiaries in Cavite get wheelchairs from Red Cross
PCG probes Cavite ship collision

The Philippine Coast Guard (PCG) is investigating the collision between landing craft LCT Nicia and cargo ship MV Sangko Uno 66 in waters near Rosario, Cavite on March 26.
In an incident report, the PCG said LCT Nicia was traversing the said waters bound for Cebu while MV Sangko Uno 66 was on its way to the Pasay Reclamation Project from Zambales province when the incident occurred.
“No casualties were recorded and no oil spillage was observed in the vicinity waters of Rosario. However, the two vessels sustained minor damage,” it said.PCG Commandant, Adm. Ronnie Gil Gavan, ordered both vessels to go to Manila and cooperate with the PCG’s Marine Casualty Investigation. (PNA)
The Philippine Red Cross (PRC), in collaboration with Rotary Club of Manila 101, Wheelchair Foundation and Chair the Love, distributed an additional 42 wheelchairs to beneficiaries in Cavite.
4,120 jobs up for grabs
Premium products, belt tightening shore up Shell Pilipinas profit
SEC stands pat on 20% public float requirement


Oda # 4
Nestor S. Barco
Ang pag-inog ng mundo at paggalaw ng araw, buwan, mga bituin at kung-anu-ano pa
sa kalawakan na matagal nang pinagtatalunan ng mga siyentipiko at teologo kung
kailan at kung paano nagsimula ay nararanasan natin ngayon.
Ang pagtakbo ng kasaysayan ng ating bansa at maging ng buong mundo ay
nararanasan natin at kasali tayong patuloy na humuhubog ngayon.
Nahahalikan natin ang ating asawa ngayon. Hindi puwedeng kahapon. Hindi
puwedeng bukas. Hindi tayo puwedeng bumalik sa kahapon upang halikan siya.
Kung gusto nating halikan uli siya bukas at sa susunod pang mga araw, hihintayin
muna nating maging ngayon ang bukas at susunod pang mga araw.
Nayayakap natin ang ating mga anak ngayon. Hindi kahapon, hindi bukas.
Nakapag-uusap lamang tayo ay ngayon. Hindi puwedeng kahapon o bukas.
Nagagawa lamang natin ang pakikisalimuha sa kapwa ay ngayon, hindi kahapon o
bukas.
Ang kahapon ay inaalala natin ngayon. Ang bukas ay pinagpaplanuhan natin ngayon.
Nagagawa lamang natin ang gusto nating gawin, tulad ng pagbabasa ng oda, ay
ngayon.
Kahit ilang ngayon ang lumipas, ang laging pumapalit pa rin ay ngayon.